Successful fanboy! Han Hyo Joo, nakilala pa rin si JinHo Bae sa panibagong interview

Imbes na ang bagong serye ang maging highlight ng interview, muntik nang mahimatay si JinHo Bae nang batiin siya ni Han Hyo Joo dahil sa pagkakaalala nito sa huli nilang pagkikita.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwang-tuwa ang Philippine-based Korean content creator na si JinHo Bae nang hindi niya inaasahang batiin siya ng sikat na K-drama actress na si Han Hyo Joo sa muli nilang pagtatagpo sa interview.

Sa online interview para sa Disney Plus original series na “Blood Free,” bago pa man magpakilala si JinHo sa mga lead stars na si Han Hyo Joo at Ju Ji Hoon ay binati na agad siya ng aktres at sinabing natatandaan niya ito mula sa huling interview ni JinHo para sa nauna niyang Disney series na “Moving”.

Matatandaang sa nakaraang interview ni JinHo sa Korean star ay naaliw ito sa kanya dahil sa kanyang kakaibang mga tanong at tsika tungkol sa kulturang Pilipino, isa na rito ang superpower ng mga Pinoy sa pagma-Marites.

Nagkaroon din ng pagkakataon si JinHo na magbigay ng regalo sa mga “Moving” stars na sina Han Hyo Joo, Jo In Sung at Ryu Seung Ryeong.