Hindi napigilan ng Australian volleyball team ang lakas ng Alas Pilipinas matapos magwagi ng mga Pinay sa unang laban nila sa 2024 AVC Challenge Cup nung Huwebes.
Bukod dito, hindi rin napigilan ng mga Alas na sina Eya Laure, Angel Canino, at Arah Panique ang humataw sa patok na kanta ng BINI na “Pantropiko.”
Sa TikTok post ni Eya, makikita ang tatlo na patagong sumayaw sa loob ng isang grocery matapos marinig ang “Pantropiko” na pinatutugtog sa shop.
“yung nag grocery kayo tapos biglang narinig niyo yung pantropiko,” kwento ni Eya.
Sangayon naman si Angel kay Eya at sinabing di nila alintana kung nasaan sila basta nadinig nila ang kanta ng BINI.
“Basta pantropiko, g na g!!” sabi ni Angel.
@eyalaure aye aye aye!! #Bini @paniquearah @AngelCanino ♬ Pantropiko – BINI
Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa pagsasayaw ng mga national volleyball players ng Pilipinas.
“kastang kasta si angel : Pantropiko agad nag seset up pa lang eh HAHAHAHAHAHA”
“girl trend ata coach nila muntik na magsabay sabay jk hahahah.. goodluck sa games niyo”
“NU, UST, DLSU in one frame”
“ate pwede po ba padaan kukuha lang po ng alibaba eh”