Street performer era? Tito Boy, umeksena ala-model sa mga kalsada ng Hong Kong

“Laban lang Tito Boy!” ang nasambit ng mga fans sa isang social experiment ni Boy Abunda nang magpanggap siya bilang street performer.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Dahil siguro na cu-curious sa experience na maging isang street performer, napag-tripan ng TV host na si Boy Abunda na humilera din sa area ng mga buskers sa Hong Kong para malaman kung mayroon bang manonood sa kanya.

Habang naka-break sa pag-i-interview ng mga celebrities, inutusan ni Tito Boy ang kanyang cameraman na kunan siya habang nagpoposing-posing sa kalsada para makita kung may maniniwalang isa din siyang artist at kung may mag-iiwan ng tip para sa kanya tulad ng iba pang nagtatanghal sa mga kalsada ng Mongkok at Kowloon.

Marami namang napalingon sa mga paandar ni Tito Boy pero mukhang mas marami ang nagtaka kaya’t matapos ang ilang minuto ay isinuko na niya ang kanyang pagpapanggap at ipinaubaya na lang sa mga totoong street performers ang mga kalsada ng HK.

Kahit hindi pumatok sa mga banyaga ang mga pagpo-posing ni Tito Boy, supportive naman ang mga Pinoy sa comments section ng kanyang video.

“Laban ka lang kuya Boy”

“Slay!!!”

“Ako tuwang tuwa..naalis Yong homesick ko. Ang dami ko tawa talaga.”