Street food but make it sosyal! High-end signage ng isang vendor, wagi sa mga suki!

Mapapa-check ka pa sa medical dictionary malaman lang ano ang itinitinda ng street vendor na ito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kanya-kanyang paandar ang mga street vendor sa kanilang mga paninda. Aba’y, sa sobrang dami nila sa kalsada, mahirap nga naman makuha ang atensiyon ng mga mamimili pero ang isang vendor ng chicken skin, tila ba nagsasabi na differentiate me (ibahin mo ako).

Sa post ng netizen na si Allen C. Mallari, agaw-eksena ang signage ni manong para sa kanyang panindang pritong balat, leeg at balunan ng manok kung saan naka-label pa ito bilang skin, trachea at proven (proventriculus/gizzard).

Sa unang tingin, napa research ang iba tulad namin. O diba? Ang bongga! Hindi lamang yun, may paandar pa siyang nakalagay ang timbang kumpara sa iba na tinatantiya lang ang ilalagay sa supot. Wuw! Pang BGC!

Mukhag ligayang ligaya naman ang mga medicine students na parang nakapag review habang nagme-meryenda.

“Esophagus esophagus.”

“beh panis medical term ginamit”

“HAHAHAHA kuwang mn dapat proventriculus”

“Pritong esophagus sana hahaha”

“Wag ganiyan baka maglabas ako ng laryngo hahaha”

Tags; Medical term, sosyal street food, high end street food, pinoy street food, street food, chicken skin, leeg, balunan