Kamakailan ay nagkaroon ng reunion ang dance group na The Streetboys na nagbigay ng instant nostalgia sa mga batang 90s. Hindi naman nagpahuli ang isang grupo ng mga lolo mula sa Davao City nang magkaroon sila ng sariling performance na kanilang pinost sa Facebook.
Sa video, makikita ang Rhofa Dancers na humahataw sa kalye na akala mong sila ang legit na “street boys.”
Ayon kay Gene, isa sa mga miyembro ng Rhofa Dancers, ang mga ka-grupo niyang sina Jerry, Nonoy, Fabius, Jun, Nog Nog, at Guardy ay nasa edad na 51 hanggang 59 years old.
Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa performance ng Rhofa Dancers sa kabila ng kanilang mga edad.
“Wala paring kupas mga lods galing padin sumayaw.”
“Ang gagaling nyo Mga Sir! Idol ko yung nakagray!”
“Grabeng mga moves yan guys sa idad nila na line of 50s na.”
“Love it sir Gene..❤♡❤♡❤❤ Basta batang 80’s wala ng tatalo pa..”
“Grabe MAG BATAK pa.kayo DANCER IS ALWAYS A DANCER”