Still our No. 1 girl: FILO BLINKS sinabayan ang maysakit na si Rosé sa kanyang solo performance in full force

Walang makakapigil sa Filipino BLINKS! Alamin kung paano sinuportahan ng fans si Rosé ng BLACKPINK sa kanyang "Number One Girl" performance sa Philippine Arena, kahit pa masama ang kanyang pakiramdam. Full support!

Walang problema para sa mga supportive FILO BLINKS kung nahirapan ang kanilang idol na si Rosé sa pagabot ng mga high notes sa kanyang solo na “Number One Girl” sa BLACKPINK Deadline concert sa Philippine Arena kamakailan.

Napag-alaman kasing masama ang pakiramdam ng “APT” hitmaker at Grammy nominee kaya’t nahirapan siyang abutin ang nota ng falsetto sa kanyang performance.

Kaya naman ang mga Pinoy, sinabayan na lang siya sa kanyang pagkanta, patunay na kabisado rin nila ang lyrics ng kanta at ang importante sa kanila ay magkaroon ng magandang experience si Rosé sa Pilipinas.

Todo suporta at pagmamahal na lang ang ibinigay ng mga fans kay Rose:

“ROSÉÉÉ KUDOS TO PH BLINKS, ANG GANDA NG PAGKAKAKANTA NIYO W ROSÉ”

“Buti nalang sa pH c rosie no problem Yan Libre na back up singer Para sayo Rosie”

“I was there too singing my heart out mangiyak ngiyak na ako jan”

“Even though u have cold its okay ur still number 1 rośe”