Tuwang-tuwa ang mga fans ng Netflix show na Squid Games sa makulit na promo ng Netflix nang gamitin nito ang Christmas song na “Christmas Bonus” ng Aegis.
Sa Filipino promo ng Netflix para sa South Korean hit show, nag-post ng kwelang clip ang Netflix tungkol sa pagbisita ng mga Squid Games guards sa isang opisina kung saan hindi pa din naibibigay ang mga bonus ng mga empleyado.
Ngunit sa isang twist ay lumabas na ang Aegis pala ang nagtatago sa likod ng maskara at kaya sila pumumta sa kumpanya ay para mamasko para sa mga empleyado.
Syempre, nasa likod nila si Young Hee ng “Green Light, Red Light” game kaya dapat mangunti ang bossing na tatanggi sa higanteng manyika na may laser sa mata.
Patok naman ang crossover na ito sa mga Pinoy netizens:
“Sino content moderator nito ? Awit syo”
“Hahahaha ang talino hahaha”
“Kapag shinare ko ‘to magkakabonus ako, diba???”