Katuwaan ngayon sa social media ang usap-usapan kung ano-anong unibersidad ang makakalusot sa Squid Game kung nagkaroon ng university edition ang palaro.
Agad nag-teorya ang ilang mga parody sites at comics kung sino ang may chance mabuhay at kung sino ang maliligwak.
Malaki ang chance ng mga taga UP, PUP, FEU, EAC, UE, PLM, NU, TUP, San Beda, at Arellano na makatawid sa “Red Light, Green Light” pero malaki din ang chance na sila ang maunang maligwak dahil sa lakas ng loob nilang sumugod sa tawiran.
Medyo may chance naman ang mga taga Ateneo, UST, Adamson, Lyceum, St. Scho, CEU, PNU, Letran at Mapua na susunod sa mga nanguna bago tumawid.
Ayon sa video, sure naman na kulelat ang La Salle dahil hindi marunong tumawid ang mga ito ng walang guard na magtatawid sa kanila. Pero kung may guard, safe sila.