Hindi talaga matatawaran ang lakas ng “Squid Game.” Hindi pa man napapalabas sa Netflix ang Season 2 ng hit South Korean show ng Netflix, umani na agad ito ng nominasyon sa Golden Globe Awards.
Makakatunggali nito ang mga American shows na “The Diplomat,” “Mr. & Mrs. Smith,” “Shogun,” “Slow Horses,” at “The Day of the Jackal” para sa Best Television Series–Drama.
Ipapalabas pa lang ang ikalawang season ng “Squid Game” sa December 26 habang ang Golden Globe Award ay igagawad sa Enero 4 sa susunod na taon. Para mapabilang sa mga nominado, kailangang lumabas sa taong 2024 ang serye at maisumite sa nomination panel nang Nobyembre 4.
Congratulations to the 82nd #GoldenGlobes nominees for Best Drama Series:
✨ THE DAY OF THE JACKAL
✨ THE DIPLOMAT
✨ MR. & MRS. SMITH
✨ SHŌGUN
✨ SLOW HORSES
✨ SQUID GAME pic.twitter.com/bERSi1jG8v— Golden Globes (@goldenglobes) December 9, 2024