Spreading kindness! Limketkai Center naglagay na din ng mga feeders para sa mga aspin at puspin na walang tirahan

Nahawa na din ang Limketkai Center sa mga Ayala at nagtalaga na din ng feeding stations para sa mga stray cats at dogs na nagagawi sa kanilang establisyimento.

Good news para sa mga animal lovers! Sumali na din ang Limketkai Center ng Cagayan de Oro sa mga establisyimento na nagbibigay ng compassionate treatment para sa mga aspin at puspin na nagagawi sa kanilang mga mall tulad nang halimbawang pinasimulan ng Ayala Malls.

Sa kanilang post, ipinakita ng Limketkai ang ilang feeding stations na inilagay nito sa paligid ng kanilang mall kung saan ang mga hayop na walang tirahan ay pwedeng pansamantalang makisilong, makakain at makainom.

Sa ngayon ay matatagpuan ang ilan sa mga feeders sa North Concourse, Rosario Strip, malapit sa Figaro Coffee, sa harap ng Gastro Food Park, at sa may Milestone Coffee. May ilang feeders din na matatagpuan sa South Entrance, East Entrance at L2 East Concourse.

Sa ngayon ay wala pang sinabi ang mall kung pwede ding mag-donate ng pagkain para sa mga aspin at puspin pero siniguro ng mall na mananatiling puno ng masustansiyang pagkain at malinis na tubig ang kanilang mga feeders.

“aaaaw thank you Limketkai Center

“Thank you for your kindness, Limketkai Center. For sure, God will bless you more.”