Level up na ang pagmonitor ng agricultural commodities at farm-to-market roads (FMRs) sa probinsya ng Nueva Ecija.
Sa nilagdaang kasunduan ng Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering (BAFE) at ng Philippine Space Agency (PhilSA) kamakailan, gagamit na ng space technology para sa mas mabilis at mas epektibong pagsasaka at transportasyon.
Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, mahalaga ang paggamit ng satellite data at space tech para mas mapahusay ang pag manage ng mga produktong agrikultura tulad ng mais at sibuyas, pati na rin ang mga FMRs sa nasabing probinsya.
“[These] are crucial for oversight agencies, particularly during emergencies like disasters and calamities, to enhance data collection,” pahayag ng PhilSA.
Sa pamamagitan ng DigitalAgri Phase 1, na isang proyekto ng BAFE at PhilSA, magkakaroon ng modernong paraan ng pagkolekta, pagsusuri, at pagpapalaganap ng data. Ito rin ay magbibigay ng real-time na impormasyon sa sektor ng agrikultura, mga decision makers at iba pang mga stakeholders.
Idiniin ng dalawang ahensiya na kailangan ang space-derived data para sa mas mahusay na pagpaplano at monitoring upang mapalakas ang food security at economic growth ng bansa.