Sosyal! Taylor Swift impersonator na si Taylor Shet, magdadaos ng concert sa Singapore

Taylor Shet, magtatanghal ng sariling concert sa Singapore sa Marso.

Bukod sa namamayagpag na si Taylor Sheesh, isa pang Taylor Swift impersonator ang gumagawa ng sarili niyang bersyon ng “The Eras” tour at ang sosyal, dahil ang venue ng kanyang concert ay hindi sa Pilipinas kundi sa Singapore.

Sa isang post, inanunsyo ni Taylor Shet na magtatanghal siya ng kanyang “The Erase” Tour sa Beast & Butterflies, M Social Singapore.

Ayon sa drag queen na si Vinzon Leojay Rubio Booc, na bukod sa panggagaya kay Taylor Swift ay kilala din bilang Lady Gagita, excited siya dahil first time niyang mag-out of the country para sa isang show.

Nagtanghal na ng ilang successful shows sa iba’t ibang probinsya si Taylor Shet bago siya lumipad papuntang Singapore.