‘Sorry na, mama’: Cute na puppy, naluluha at nahihikbi sa sermon ng furmom

Napa-“awww” na lang ang mga netizens sa eksena ng isang tutang tila nag so-sorry sa kanyang furmom habang napapagalitan sa kakulitan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi talaga matatawaran ang katalinuhan ng mga aso kaya naman ang mga netizens, napahanga na lang sa isang tuta na pinapagalitan ng kanyang furmom sa sobrang kakulitan.

Paano naman, ang cute na furbaby, mistulang batang paslit na taimtim na nakikinig sa kanyang furmom habang pinagsasabihan ito tungkol sa kanyang pagiging pasaway. Ani furmom Lou, muntik nang maging kwento ang kanyang alaga dahil sa pangungulit nito at hindi pakikinig sa bilin.


Ang tuta naman, hindi gumagalaw at parang tila mangiyak ngikyak dahil sa sermon. Napansin din ng karamihan na mukha din itong guilty kaya’t naunawaan nila na gets din niya kung bakit siya kailangan pagsabihan ng kanyang furparent.

“Aayy suuuus talagang nahikbi wawa Naman bebe.”

“May feelings tlga sila marunong pagalitan at marunong din sila magtampo…”

“Sorry napo talagang naiyak na.”