Hindi kailangan ng mamahaling mga regalo para maipakita ang pagpapahalaga sa asawa. Yan ang patok na payo ng motor taxi rider at content creator na si Koya Ferson sa kanyang mga followers.
Sa ilan niyang mga post, ipinakita ni Koya Ferson ang ilang bagay na ginagawa niya para ipakita sa kanyang misis ang kanyang pagmamahal tulad na lang ng paggising ng maaga para matulungan itong maglaba dahil may sugat ito sa kamay.
“Tulungan lang sa gawaing bahay para mas magaan ang buhay,” ani Koya Ferson.
Minsan naman na maysakit ang kanyang asawa ay nagkusa din ang content creator na siya ang mangasiwa sa gawaing bahay para maalagaan at makapagpahinga ang kanyang misis.
https://www.facebook.com/profile.php?id=100084915606661
Kapag naman busy ang kanyang misis o pagod sa gawaing bahay, siya na din ang nagmamando sa kusina para sa kanilang gabihan.
Marami pang husband tips si Koya Ferson at madalas niya ring binibigyan ang kanyang misis ng mga simpleng regalo para maipakita ang pagmamahal niya at pagpapahalaga dito.
Aniya, hindi dapat maliitin ang ginagawa ng mga stay-at-home moms dahil madalas ay mas pagod pa sila sa kanilang mister sa pag-aalaga ng mga anak at pag aasikaso sa bahay kaya’t malaking bagay ang pagtulong sa kanila sa maliit na paraan.