Proud mommy si Sexbomb Rochelle Pangilinan sa kanyang baby girl na si Shiloh na imbes na magbabad sa YouTube or games habang tag-ulan ay nagpakita ng interes sa pagluluto.
Sa kanyang video, sinabi ni Rochelle na naisipan ni Shiloh na magluto ng sopas na saktong-sakto naman talaga sa malamig na panahon. Kaya’t ang supportive mom, sinuotan agad ng apron ang anak at umalalay sa kanyang pagluluto lalo na at may mga sangkap na kailangang hiwain.
Nakakatuwa din na maya-mayang konti ay tumulong na din si Arthur Solinap sa kanyang mag-ina kaya’t naging instant bonding nila ang pagluluto ng kanilang memeryendahin.
Positibo naman ang naging reaksyon ng mga netizens na pumuri kay Shiloh sa kanyang napiling hobby. Marami ang nagsabing maganda at habang bata at natututo na ito sa mga gawaing bahay.
Enjoy naman ang bagets at mukhang pasado naman ang kanyang mga assistants na si mommy at daddy sa kanilang mini chef.
“Ang galing nmn.ang sweet at maganda p mana sa mommy at daddy nia,” wika ng isang fan.
“Sarap naman sopas,” puri ng isang commenter na mukhang nagutom sa niluto ng pamilya Solinap.
“Good job Shiloh,” pag apruba ng isang follower.
“Wow galing Galing tapos Magandang bata pa,” sabi ng isa.
Mommy Rochelle, baka may pa-free sample naman diyan!