Sold out na naman! ‘rAWnd 4’ ng SexBomb Girls ubos agad in less than one hour

Ubos na nga din agad ang tickets para sa “rAWnd 4” ng concert ng SexBomb Girls kahit na libo-libong fans ang pumila at “nakidigma” para mapanood ang OG nation’s girl group.

Dahil ubos na agad sa loob ng isang oras ang “Get Get AW: rAWnd 3” concert ng SexBomb Girls sa Mall of Asia Arena, agad naman nilang pinakinggan ang kanilang mga fans para magbukas ng “rAWnd 4.” Pero mismong SexBomb na mismo ang sumisira sa kanilang record dahil ngayon, bago pa umabot ang isang oras ay wala nang tickets na available.


Dumagsa nga ang libo-libong fans sa SM Malls nitong Jan. 8 para maka-secure ng tickets at nagbabakasakaling makakuha sila ng slot kung hindi sila aasa online.

Ngunit dahil nga sa demand, ang mga humabol para sa tickets, hindi rin nakakuha ng slots dahil sa sobrang daming pinalaki ng SexBomb sa Pilipinas.

Ang mga fans humihiling na paabutin ng ng SexBomb ang kanilang concert hanggang “rAWnd 30” para naman sure na silang makapanood.