Sobrang sulit! MAAENAs, waging-wagi ang feeling matapos ang concert ni IU sa Pilipinas

Maraming naging sorpresa si IU sa kanyang mga Pinoy fans at gayun din naman sila sa kanilang idolo.

Waging-wagi ang mga MAAENAS or ang FILO fandom ni IU na hanggang ngayon ay hindi pa din maka-move on sa ginanap na concert ng Korean singer sa Philippine Arena.

Hindi lang sulit kundi sulit na sulit ang pakiramdam ng sold-out venue sa naganap ng HEREH concert ni IU na napakaraming sorpresa ang inihatid sa kanyang Pinoy fans.

Una, ilang beses nagtagalog si IU at halatang-halata na pinag-aralan niyang maigi ang mga katagang Pilipino na ginamit niya habang kinakausap ang kanyang mga fans.

Inawit din ni IU ang “Pasilyo” ng Sun Kissed Lola na talaga namang bumagay sa mala-anghel niyang boses.

Sinuot din ni IU ang usong-usong sisiw clip na iniregalo daw ng isang fan.

Nanorpresa din ang mga fans ng inilaban nila ang sabayang pag-awit ng “Good Day” kahit may sablay sa lyrics at sa birit

Sa ilang pagkakataon na bumalik si IU sa Pilipinas, palagi niyang nababanggit na ito ang isa sa paborito niyang bansang puntahan dahil sa laki ng pagmamahal na kanyang nararamdaman sa MAAENAS. Sa pagkakataong ito, ganun pa din ang kanyang naramdaman.