Sobrang cute! 4-anyos na bata, patok sa kanyang nakakaaliw na Filipino-Aussie linyahan

Linyahan ng Pinoy at Australian na magulang ni Baby Nitro patok sa mga netizens.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa apat na taong gulang na si Baby Nitro, isang Filipino-Australian, matapos nitong ipakita ang mga panalong linyahan ng kanyang mga magulang.

Sa post sa Youtube channel ng Australian na si Dwaine Wooley, makikita ang kanyang anak na si Nitro na ginagaya ang mga madalas sabihin ng kanyang tatay at Pilipinong nanay na si Shanta.

“What Australians say vs what Filipinos say,” caption ni Dwaine.

Sa video, madidinig si Nitro na hindi lang inuulit ang linya ng mga magulang kundi ginagaya pa ang itsura nila habang sinasabi ito.

“My daddy says ‘Congrats’. My mummy says ‘Sana all’,” ani Nitro.

“My daddy says ‘Good job’. My mummy says ‘Paburger naman dyan’,” dagdag pa niya.

Tuwang-tuwa naman ang mga Pinoy netizens sa mga sinabi ni Baby Nitro.

“Too adorable and SMART!! He loves and embraces his linguistic capabilities! Good for him! Good daddy & mummy!!”

“It’s amazing how Nitro memorizes all those words with expressions and feelings he is so smart and so adorable”

“I like the way you said ‘tumaba ka’ Nitro”

“Hahahah Nitro!! The tumaba ka got me!!!”

“’Sana all..push mo yan teh’ get me rolling”