Sobra na galing yan, insan! Mekus Mekus craze kumalat na sa zumba, TikTok at iba pa

Nakaka-good vibes ang pagkalat ng mekus mekus challenge sa iba’t ibang platform.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi inakala ni Indian content creator Mr. Nobodydudy na magiging viral siya sa kanyang paggawa ng reaction videos ng Indian food lalo na sa kanyang kakaibang pagsambit ng mix mix na ngayon ay kilalang- kilala na sa tawag na mekus mekus.

At dahil nga trending na si insan, marami na ding mga content creators ang sumali na din sa mekus mekus craze at gumawa ng dance remix, song remix at maging dance challenge.

Isa na dito ang mekus mekus para sa mahihilig makiuso at mag Zumba.

Meron din siyempreng song remix ng mekus mekus.

Magpapahuli ba naman si Jollibee sa mga viral dance challenge?

Kaya’t alam na this! Pilipinas, imekus mekus na yarnnn!!!