Soar free! Agilang na-rescue sa Apayao, malaya na muli!

Agilang na-rescue nitong Marso na si Nariha Kabugao, pinalipad na pabalik sa kanyang teritoryo.

Tila mga fan na nagche-cheer sa kanilang paboritong artista o manlalaro ang mga tao na naging saksi sa muling paglipad ni Nariha Kabugao, pabalik sa kanyang teritoryo noong Abril 12.

Isang endangered Philippine eagle (Pithecophaga jefferyi) na-rescue nitong Marso si Nariha Kabugao sa Barangay Bulu sa Kabugao, Apayao matapos itong ma-trap sa patibong ng isang magsasaka. May tama rin ito ng tatlong air gun pellets.

Nagpalakpakan ang mga taga Philippine Eagle Foundation (PEF) at Department of Natural Resources (DENR), at mga lokal na opisyal ng Apayao nang pakawalan na ang agila matapos ang isang buwang rehabilitasyon.

Matatandaang nakitaan ang agila ng “brood patch” sa pamamagitan ng X-ray nang dumaan ito sa pagsusuri matapos ma-rescue noong Marso 16, isang indikasyon na maaaring buntis ito.

“The release of the Philippine Eagle in Apayao, named after the town where it was rescued, is very significant as many of us who grew up learning about the Philippine eagle as the monkey-eating eagle, whose majority of the population is found in Mindanao. But years later, it’s good to finally discover that the same is found in Luzon, not anywhere in Luzon, but in the Cordilleras, here in the province of Apayao,” ayon kay Paquito Moreno Jr., Regional Executive Director DENR sa ulat ng ABS-CBN News.

Nilagyan na rin daw ng GPS si Nariha Kabugao para masubaybayan ang galaw nito sa kagubatan pati na rin ang pag-triangulate ng mga potensyal na lokasyon ng kanyang pugad.

“Whether the bird is a migrant or homegrown, the challenge for us now is not just to preserve the Philippine eagle as a species, but to preserve genetic diversity or the flora and fauna surrounding it,” dagdag pa ni Moreno.