Nagpasabog ng ka-cute-an ang Dachshund na si Jack at ang kanyang mga kapatid na Shih Tzu nang salubingin nila ang maagang Christmas season nang naka Santa costume.
Aliw na aliw ang mga netizens nang makitang behaved na behaved ang mga aso habang pini-pictorial ng kanilang furmom sa may hagdan ng kanilang bahay.
Mukhang makakakuha din ng approval ang mga bibong doggos sa Christmas queen na si Mariah Carey kapag nakita niya ang mga gumamit ng kanyang kanta bilang BGM.
Ang consensus ng mga netizens: approved!
“Cuteness overload. Christmas is just around the corner.”
“Super duper cute!!! These pups are paws-itively festive”
“Cute nila sa costume”