So Filipino coded! BINI, ipinakita ang magandang asal ng Pinoy sa Chinese reality show

Proud na proud ang mga Pinoy sa ipinakitang magandang asal ng BINI sa isang reality show sa China.

Pinatunayan ng BINI na kahit nasa ibang bansa sila nag po-promote ay napaka-down to earth at napaka Pinoy pa din nila.

Sa isang clip ng kanilang guesting sa isang Chinese reality show, ipinakita ang mga miyembro ng BINI na pumasok sa isang apartment kung saan sila maglalagi bago ang kanilang pagtatanghal.

Siyempre, ang mga “Pantropiko” singers, hindi basta-basta humilata lang pagkalapag ng kanilang mga gamit. Mula sa pagpasok ng pinto, kusa nilang hinubad ang kanilang sapatos panlabas at nag-simulang maglinis at mag-ayos sa apartment.

Kanya-kanya sila ng pag-asikaso ng iba’t ibang lugar sa bahay, inayos ang kanilang mga lapel para sa taping, nagpunas ng lamesa at nag-ayos ng mga gamit sa kusina.

“They are so Filipino coded” “Talagang nainspire ako ng Bini:) I love Bini.” “Thanks for letting them know that most Filipinos are clean at home.” “Ito yung salamin ng mga nanay sa Pilipinas. Yung tipong linis dito linis doon. Di mabubuhay pag mag kaunting kalat. Go BINI!” “That ‘hoy remove our shoes’”