Snorkeling sa tapat ng bahay? Di na kailangan mag-beach sa isang bayan sa Bohol

Napa-"sana all" ang mga Pinoy na nakapanood ng malinaw na tubig sa harap ng bahay sa isang bayan sa Bohol.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Life’s a beach ang peg ng mga residente sa isang isla sa Tubigon, Bohol dahil tuwing magha-high tide ay pwede silang magtampisaw sa tubig na umaabot sa harap ng kanilang mga bahay.

Kung ang ibang tao ay naiinis pag inaabot ng tubig ang kanilang mga bahay ay iba naman ang trip ng mga residente dito. Sa sobrang linaw ng tubig ay pinipili pa nilang mag-swimming na lang or mag-snorkel papunta sa mga kapitbahay para mas mabilis makarating.

Kinainggitan naman ang mga Boholano ng ibang Pinoy dahil kung sa kanila umabot ang baha ay kulay kape at putik na ito.

(Facebook/Selyn Caballa Mejares )

“Dude is cruising through that water like Aquaman.”

“Ang linaw ng tubig iba talaga sa pinas hehe”

“linaw ng tubig, sana ganyan din dito samin pag nabaha”

“province of waterworld”

“brgy captain kevin kostner”

“Ganda nmn mag snorkel jan linaw ng tubig sa daan”