‘SnoRene,’ bagong love team na nagpapakilig sa bayan; sariling teleserye hiling ng fans!

Bentang-benta sa mga fans ang love team nina Maris Racal at Anthony Jennings sa "Can't Buy Me Love.”

Patuloy na sumisikat ang tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings na kung tawagin ay ‘SnoRene’ sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love.”

Hindi inaasahan nina Anthony at Maris na ang kanilang ginagampanan na karakter na Snoop at Irene o SnoRene ay talagang papatok sa tao dahil para silang aso’t pusa sa teleserye.

Ayon sa mga netizens, mas inaabangan nila ang mga eksena ng dalawa dahil na rin sa kakaibang “kilig” factor na dulot nila. Nakakatanggal stress, dagdag ng mga fans.

“Sila ang inaabangan ko ehh..ang cute at funny sila…nakakawala mg stress ung mga dialog[ue] nila….grabe,” komento ng isang fan.

“Pang pa goodvibes sakin ❤️🤣,” saad ngbisang fan

“Cute nilang dalawa talaga.dapat ganto lagi ang loveteam hindi ung puro drama😄😄,” sabi ng isa.

Para kay Maris, “unplanned” ang pagsikat ng kanilang tambalan, at dahil pa ito umano sa eskenang nakatapak sila ng “poop.”

Sa panayam ng TV Patrol, inamin ni Maris na natuwa siya sa pagtanggap ng mga tao sa love team nila.

“Hindi naman lagi na may makakatambal ka na magwo-work, nagji-jive ‘yung humor nyo and very happy ako sa support ng mga tao,” ani Maris.

Ngayon, hinihiling ng mga fans na magkaroon na rin sana ng sariling palabas na pagbibidahan ng tambalang SnoRene.