SM ang FURborit! Mga alagang aso, isang magic word lang ang pampa-gising

Bangon agad ang mga asong alaga ni netizen Armson Panesa sa sandaling madinig ang fur dad nila magyaya mag-SM.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Patok sa mga netizen ang video ng mga asong alaga ni netizen Armson Panesa matapos nilang bumangon sa sandaling banggitin ng kanilang fur dad ang salitang “SM.”

Sa video ni Armson, makikita ang tatlong alaga nyang mga aso na tila dedma sa pagyaya ng kanilang amo na lumabas at mamasyal.

Halos lahat na ng fastfood sinabi ni Armson ngunit sablay ito sa pagkuha ng atensyon ng mga aso.

Ngunit sa isang banggit lang ng salitang “SM” ay dali-daling bumangon ang mga aso na akala mo ay hindi galing sa mahimbing na tulog.

“SM pala ang key word HAHAH,” sabi ni Armson.

Hindi naman pinalampas ng mga netizen ang pagkakataon para ishare ang kanya-kanyang “key word” ng kanilang mga sariling alaga. “Samin ‘bas, short for labas.” “SM din keyword namin sa dogs namin.. Magmamakaawa sila/mag papakarga na..” “Samin naman ang keyword TARA!” “Yung keyword naman sa shi ko ay SAMA.” “Samin naman kalansing ng pera kahit tulog biglang gising hahaha.” “Samin… Tunog lang ng susi… Matik.. Tatambay na sa tapat ng pinto. Ahahaha!”