Slay sa ilalim ng dagat! Mikee Quintos, nagpa-wow sa kanyang freediving moment

Pang-fantasy series ang naging eksena ng freediving experience ng aktres na si Mikee Quintos.

Hindi lang slay on-screen ang aktres na si Mikee Quintos, pati na rin sa ilalim ng dagat.

Sa isang TikTok video, ibinahagi ng aktres ang kanyang magical freediving experience na umani naman ng mga papuri mula sa kanyang fans.

Kitang-kita siyang lumulutang na parang sirena sa ilalim na asul na karagatan, habang pinapalibutan ng daan-daang isda na mistulang special effects sa pelikula.

“What trend,” ang simple pero confident niyang caption.

Pinagbibidahan ngayon ni Mike ang “Slay,” ang kauna-unahang Viu Original ng GMA Network, kung saan kasama niya sina Julie Ann San Jose, Ysabel Ortega, Derrick Monasterio at Gabbi Garcia.

@mqquintos

what trend? 🤣

♬ supernatural – Ariana Grande

Bumilib din ang mga fans sa angking galing ni Mikee sa paglangoy:

“Maganda na nga magaling pa lumangoy.🥰🥰🥰”

“Gorgeous Mikee under the sea 💙”

“galing nmn ni lira”