Aliw ang dala ni Pinoy boxer Eumir Marcial sa mga netizens matapos nitong makisakay sa nauusong crop top challenge.
Sa kanyang Instagram post, makikita si Eumir na nakasuot ng itim na crop top, labas ang tiyan, at proud na nag-selfie sa salamin.
At higit sa lahat, pangmalakasan ang naging caption ni Eumir matapos niyang i-tag ang kanyang kasama kapwa Olympian, ang two-time gold medalist na si Carlos Yulo, na isa sa mga unang nagpauso ng crop top challenge sa mga kalalakihan matapos siya rumampang naka crop top sa South Korea.
“@c_edrielzxs bro hindi na talaga ako nakatiis,” ang caption ni Eumir.
Agad naman sumagot si Caloy sa post ni Eumir tungkol sa crop top: “HAHAHA YAAAAAS KUYA! POGI!”
Bentang-benta naman sa mga netizens ang pagsali ni Eumir sa crop top challenge.
“Bagay sayo idol kapag ako nag ganyan parang ako si Winnie The Pooh eh”
“Maglinis muna ako ng pusod bago mag ganyan”
“Strong man, Eumir.”
“Iba ka talaga champ! Haha”
“Naks talaga naman si Boss E! Iba ang angas nito!”