Slay mga ses! Mga evacuees ng Bagyong Pepito, kinabog ang rampahan sa Miss U

Hindi nagpadaig sa mga Miss Universe contestants ang mga kalahok sa Miss Evacuation Center 2024
Found this article interesting? Help others discover it too!

Dahil nga naman limitado lang ang mapaglilibangan sa evacuation sa Tacloban habang humahagupit ang bagyong Pepito ay sinabayan ng evacuees—mga dormers ng University of the Philippines Tacloban, ang mga beauty queens na rumarampa sa Miss Universe pegeant.

Hindi rin talaga sila nagpahuli sa paggawa ng kanilang “runway” kung saan magpapatalbugan ang malulupit na lakaran ang mga kalahok.

At kahit walang naibaong gown, wala pa ring naging problema kasi ang ibinida nila sa pagrampa, ay mga bedsheet na idinisenyo para magmukhang pang pageant ang dating. Naroong may mga bulaklakin, plain, printed – may mga gumamit din ng mga malong na inipit at ginawan ng kanya-kanyang korte.

@kenzoro322 puksaan na HAHAHAHHAHA #fyp #bagyo #tiktokph #pageant #trend ♬ 오리지널 사운드 – 𝘀𝗰