Slay ka jan, bhe! Viral Asoka Bus Girl may bagong pasabog para sa mga instant fans!

May opisyal nang entry ang isang estudyanteng nag viral sa kanyang Asoka Bus edition sa Asoka Dance Challenge.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi na kinailangan ng isang estudyante ng mahabang preparasyon para sa kanyang entry sa Asoka Dance Challenge na usong-uso ngayon sa TikTok dahil sa bus pa lang ay inaliw na niya ang kanyang mga kaklase sa kanyang on point na pagsayaw sa saliw ng Indian music.

Tuwang-tuwa naman ang kanyang mga kaklase sa pangangarir ni Jessica Phem Jordan sa viral challenge dahil nakaalalay pa ang mga ito sa kanya at nag-chi-cheer habang bumabalanse siya sa umaandar na bus.

At hindi lang yan, dahil sa pagva-viral ng kanyang Asoka Bus Edition video ay lalo pang kinarir ni Jessica ang Asoka. Mayroon na siyang pormal na entry sa dance challenge na hinangaan ng kanyang mga naging instant fans dahil lumutang ang natural na ganda ng dalaga nang siya ay makapag makeup na.

“pak ganern parang di naiwan ng bus kahapon” “Nice… Husay” “Sya ba yung NASA baby bus?” “Ang galing ganda” “Ang galing! Ganda ganda pa” “AUHHHHH SLAYABLEEE”