Aliw ang dulot sa netizens ng isang random video upload ng isang TikToker kasama ang comedian na si Cecil Paz, na mas kilala sa kanyang role bilang Toti Marie sa pelikulang “Four Sisters and a Wedding.” Paano ba naman, ang buong akala nila ay anak niya ang uploader na si Kristen Chua.
Makikita kasi sa TikTok post ang isang litrato ni Chua kasama ang aktres. Nakasuot ng uniporme pang security guard ang komedyante sa picture na may kasamang text na: “You’re so funny’ thanks! It took me 20 years to say I love you to my own mom.”
Nilinaw naman agad ng TikToker sa caption na hindi niya nanay ang kasama sa picture. “chill lang hindi si Tottie Marie nanay ko,” sabi ni Chua.
Maraming netizens ang nagtatanong kung si Toti Marie nga ba ang nasa TikTok post:
“May answer na ba kung si toti marie ito? Hahhahaha”
“guard na si toti marie 😭😭😭”
“omg akala ko si totie marie but after 10 seconds nabasa ko yung caption hahahaha. akala ko ako lang nakapansin.😭”
“HINDI SI TOTIE MARIE MAMA NIYA 😭😭”
“Si TOTTIE MARIE ata yan pero yung mama nya hindi si tottie marie 🤣”
Tawang-tawa naman ang komedyante sa comments ng netizens:
“Hahaha!!! Hi guys! thank you for making me happy! sobra nyo Kong pinapasaya sa mga comments nyo! yes! I’m Toti Marie! and I’m also Ning, the guard in PEPITO MANALOTO ,” ani Toti Marie sa comment section. Mapapanood rin siya sa sitcom ng GMA na “Pepito Manaloto,” na pinagbibidahan ni Michael V. at Manilyn Reynes.