Sinong relate? ‘12 Days of Diet’ song ng isang content creator, patok sa mga bigong magpapayat

Nagpakawala ang isang content creator ng mga truth bombs kung bakit maraming hindi nagtatagumpay sa pangakong diet sa new year.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Karaniwan sa pagpasok ng taon ang mga New Year’s resolution na madalas mapako, at isa sa pinakasikat na resolution ay ang pagda-diet.

Yun nga lang, sa isang libong nangako na magpapapayat o magpipigil sa pagkain, kalimitan ay maagang nauuwi sa pagkabigo.

Kaya naman ang content creator na si Eunizz, nakagawa ng isang parody song batay sa kantang “12 Days of Christmas” ngunit ginawa niya itong “12 Days of Diet” para sa mga nag a-attempt mag diyeta pero hindi lumalagpas ng dalawang linggo.

Sa kanyang kanta, idinetalye ni Eunizz ang karaniwang karupukan ng mga nagdi-diyeta at ang kanilang karaniwang palusot sa tuwing dadayain nila ang kanilang schedule.

Relate naman ang karamihan ng kapwa bigong magbawas ng timbang pero hindi pa rin nagsasawang umasa na sa susunod na taon ay magtatagumpay na rin sila.