Sa panahon ng tag-init, pangarap ng lahat na makapagbabad ng buong araw sa aircon. Pero ang mga nanay na in-charge sa budget, kadalasang kumokontra dahil mahal ang kuryente.
Sa isang cartoon strip ng artist na si Sskait, natumbok nito ang nakakatawang katotohanan na minsan ay mas pinapaboran pa ng mga nanay ang mga alagang aso kaysa sa sarili nilang mga anak.
Ayon sa cartoon strip, kahit na naliligo sa pawis ay kadalasang hindi iniinda ng mga ina ang kondisyon ng kanilang anak pero kung makita ang alaga na nagpaawa at naiinitan ay mas mabilis pa itong mag desisyon na magbukas ng aircon.
Natawa man ay marami ding netizens ang umagree.
“Alam na sino ang ampon at sino totoong anak.”
“Anak ni Tatay =”
“Anak ni Nanay =”
“kaya kaibiganin mo yung aso”
“POV: Paboritong anak ni mama”