Single mom na dating 4Ps beneficiary, matagumpay na urban farmer na ngayon!

Mga nanay na umaasa dati sa conditional cash transfer program ng gobyerno, may mga sariling kita na bilang urban farmers.

Kung dati sila ay umaasa sa benepisyo ng 4Ps ng Department of Social Welfare and Development, aba’y may sariling kita na sila ngayon.

Isa si Marites Onganiza, isang single mother na may limang anak, sa mga nagpatunay na pag sinunod mo ng maayos ang mga payo ng mga 4Ps coordinator sa pamamagitan ng mga capacity-building trainings, hindi ka magkakamali.

Ayon kay Marites na taga Barangay Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna, nagbibigay karagdagang skills ang mga training para maihanda sila sa kanilang pagkakakitaan.

“I was just a simple housewife, but 4Ps have helped me by urging us to attend various trainings. When you take this to heart and attend trainings organized by the government seriously because it is important for my children to see that I am persevering for their future to serve as a good example for them,” saad ni Onganiza.

Ayon sa ulat ng Philippine Information Agency, ang mga nanay na dating parte ng conditional cash transfer program ng gobyerno tulad ni Marites ay kasapi ng Samahan ng Magkakapitbahay ng Pulong Sta. Cruz, na mayroong 80 na miyembro na hinasa ang kaalaman sa dressmaking, aquaponics, urban farming, at livestock management, at iba pa.

Kumikita sila sa pamamagitan ng pagtitinda ng kanilang agricultural produce sa city government ng Santa Rosa at iba pang public and private partners.