Single dad na trike driver, viral sa tagumpay ng anak na pumasa sa chemistry board exam

Milyon-milyon ang nakisaya sa isang tricycle driver na ama na super proud sa kanyang anak na isa nang licensed chemist.

Anak ng single parent na tricycle driver, pumasa sa chemistry board exam at kina-proud ng buong bayan, patunay na pagmamahal at sakripisyo, hindi lang kayamanan, ang tunay na puhunan sa tagumpay.

Walang mas hihigit sa saya ng isang magulang kapag nakita niya ang bunga ng pagmamahal at sakripisyo: ang tagumpay ng kanyang anak.

Sa isang viral TikTok video ni Ricka Taj, ibinahagi niya ang nakaaantig na sandaling magkayakap silang pamilya matapos malaman na nakapasa ang kanyang kapatid sa Chemistry Board Exam.

Hindi mapigilang ibida ni Ricka ang kanilang ama na sa kabila ng pagsubok sa buhay bilang isang single parent at tricycle driver, patuloy itong nagsumikap at nagtaguyod ng may pagmamahal at determinasyon para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

@ricka.taj He even struggle to spell the word chemist but look, he has a chemist+chemical technician doughtear now 😎 .We’re also a 4ps beneficiary back then.@erin.taj #chemistryboardedam #boardexamreactionvideo#chemistry #fyp #wholesomememories ♬ original sound – 🍃

Umani ng papuri ang video mula sa 3.9 million netizens na nakisaya at na-inspire sa kanilang kuwento:

“so proud of your Tatay! ✨✨✨”

“say again? CHEMISTRY??? damn she’s smart”

“CHEMISTRY BOARD EXAM?!!!!! GRABEEEE TALINO”

“Trike driver din papa ko. CPA naman ako 😊 Make our papa proud!!!!”