Sinampal ng pagka-slapsoil! Corgi natagpuang himbing na himbing sa business class ng isang flight

Agree ang mga animal lovers na ang mga furbabies ay hindi dapat mag travel sa cargo area ng eroplano.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Minsan ang tadhana na mismo ang nagpapamukha sa ating pagiging hampaslupa. Isang video sa isang flight ay nagpainggit at nagpatawa sa mga slapsoil ng makitang ang isang cute na corgi ay himbing na himbing sa pagkakatulog sa Business Class ng isang eroplano.

Kitang-kita sa video ang aso na kuntodo kumot pa at may kayakap pang teddy bear samantalang ang ibang mga madla ay siksikan sa economy seats.

Kahit may mga bumatikos sa pagiging maluho ng amo ng corgi, humanga naman ang ilang mga commenters sa pagpapahalagang ibinibigay ng kanyang fur parents sa kanilang furbaby dahil itinuturing itong miyembro ng kanilang pamilya.

Maging ang mga flight attendants ay nagsabing well behaved ang aso at ito pa daw ang kanilang naging stress buster sa flight.

“Why so surprised, he probably has an important business meeting when he lands 😂” “What a lucky dog? The owner must be one very kind animal lover. God bless the dog owner for his kindness.” “This dog is someone’s child. Deserve everything like any human child. Don’t be so jealous of his lifestyle. This is a beautiful family traveling together ❤️. God bless you and your family forever 🙏” “This is the way all dogs should travel. Not underneath the plane ❤️”