Silvanas umeksena sa Taste Atlas ranking ng Best Cookies in the World!

Silvanas ng Dumaguete, pasok sa listahan ng Taste Atlas.

Pasok sa listahan ng 50 Best Cookies in the World ng ng Taste Atlas ang Silvanas, ang paboritong pasalubong delicacy ng mga Pinoy mula sa Dumaguete.

Ayon sa Taste Atlas, ang silvanas, o sylvanas ay nakakuha ng 4 out of 5 stars sa kanilang ranking dahil patok na patok ang pagsasanib ng lasa ng cashew meringue wafers na pinalamanan ng buttercream at pinalibutan ng biscuit o cookie crumbs.

View this post on Instagram

A post shared by TasteAtlas (@tasteatlas)


Benta din sa mga foodies na mayroon na ring iba’t ibang flavors ang silvanas tulad ng chocolate, ube, at pandan.

At hindi rin nagpahuli ang Silvanas sa rankings dahil pang No. 25 ito sa listahan ng Taste Atlas.