Silipin: Ian Veneracion, may future sa pagiging tour guide?

Nagmistulang tour guide ang aktor na si Ian Veneracion ng ito'y namasyal sa Arizona, USA.
Found this article interesting? Help others discover it too!

our guide ang naging peg ng sikat na aktor na si Ian Veneracion ng bumistita ito kamakailan sa Grand Canyon sa Arizona, USA.

“Marilaque?” ang nilagay ni Ian sa caption ng kanyang Facebook post na kung saan ay pinapakita niya ang sikat na tourist destination sa lugar.

Ang Marilaque ay tumutukoy sa highway na bumabaybay sa Marikina-Rizal-Laguna-Quezon. Ang mga pasikot-sikot na mga kalsada nito ay patok sa mga bikers tulad ng actor.

Napasaya naman ni Ian ang mga netizen ng tinuturo niya ang Grand Canyon tapos ang mga direksyon na kanyang binabanggit ay mga lugar sa Pilipinas.

“May nahanap ako. Tingin ko magugustuhan nyo ang view dito. Ayun oh, pag kumaliwa ka dun, ayun! Papunta sa palengke yun tapos kanan mo doon…Boso-Boso (Antipolo) na ‘yun. Tapos yun naman..’yun, ‘yun, ‘yun pa Marikina,” biro ng aktor.

“Kaya okay siya (lugar),” dagdag pa ni Ian.

Komento ng isang netizen, “So gwapo and funny.”

“Nalibot ko na Marilaque parang hinde ko napansin yang view na yan, sang bansa yan I mean sang banda yan haha,” sabi naman ng isang netizen.

Kahit seryoso ang mga ginagampanan niyang mga role sa pelikula o teleserye, isang palabiro na tao si Ian.

Matatandaan na si Ian ay nag prank din sa isang aeronautics class bilang isang surprise guest lecturer ng napadaan sa aeronautical school sa Iloilo noong Hulyo.