Kuhang-kuha ang tawa ng netizens ng isang TikTok video kung saan tampok ang #struggleisreal moment ng isang customer na magbabayad gamit ang digital wallet pero walang signal.
Sa clip na ibinahagi ni @mariaisabel_0777, makikita ang isang lalaki na nakatayo sa labas habang hawak-hawak ang GCash QR code, na tila umaasang magkakaroon ng signal para makapagbayad na.
@mariaisabel_0777 #fyp #streak #gcashstories ♬ The cut that always bleeds – jiyah
Maraming netizens nag natawa at naka-relate sa “cashless pero helpless” na eksena ng customer sa video:
“SAN MO DALAHEN ANG QR CODE”
“lagi na lang talaga ko pinapahiya jusko
НАНАНААНАНАНАНАНАНА”
“tapos need pa niyan ng update”
“Legit yung kaba tapos wala ka pang dalang cash”