Sign language message ng anak ni Yasmien Kurdi para sa kanyang mama at papa, umantig sa marami

Pinuri ng marami ang napiling paraan ng anak ni Yasmien Kurdi para magpasalamat sa kanyang mga magulang.

Para mapasalamatan ang kanyang mga magulang, sinorpresa ng anak ng Kapuso star na si Yasmien Kurdi ang kanyang magulang ng isang secret sweet message sa kanyang pagtatapos.

Sa video na ipinost ng proud mom ni Ayesha, makikitang nagsisenyas ito habang pababa ng stage matapos tumanggap ng diploma.

Ani Yasmien, parang may gustong ipahiwatig ang anak sa kanila at nagtanong pa sa netizens kung may nakakaintindi nito.

Yun pala, sign language pala iyon na “Thank you Mama at Thank You, Papa” at may pahabol pang “I love you.”

Hinangaan naman ng mga netizens ang paraan ng pagpapakita ni Ayesha ng pagmamahal sa kanyang mga magulang at nag-aral pa ito ng sign language para dito.

“’Thank you, Papa, Mama. I love you.’ 🤟 Such an intelligent and sweet baby”

“It means, ‘Thank you mama and papa, I love you’ so sweet ayeshaaa ❤️ Congrats on your graduation, Ayesha!”

“What a wonderful daughter! 🥰 Congrats, Ayesha!”

“Grabe nakakaiyak naman, congratulations sainyo!!”