Ngayon na nagbabadya na ang pagbabalik ng kontrobersiyal na ex-mayor ng Bamban na si Alice Guo sa bansa, mukhang magkakasubukan kung sino-sino sa mga nag-post ng mga incentives ang tunay na magbibigay ng pabuya sa kanyang pagbabalik.
Ilang big brands at maging mga maliliit na establisyimento ang nangako ng lifetime na libreng pagkain, skin care, appliances at kung ano-ano pa habang pinaghahanap nga si Guo ng mga awtoridad.
Samantala, isang meme naman ang perfect na nakatumbok kung ano siguro ang pakiramdam ng mga nakisawsaw sa trending na mayor nung nawawala pa siya.