Sibalom Natural Park: Antique’s next big ecotourism destination!

Opisyal nang inilunsad ng Antique ang Sibalom Natural Park bilang isang ecotourism destination.

Ipinakilala na ng Antique bilang legit na ecotourism destination ang Sibalom Natural Park (SNP), isang malawak na protected area na matatagpuan sa isla ng Panay, nitong Biyernes, May 10.

Sa SNP, makikita ang Rafflesia speciosa, ang tanyag na pinakamalaking bulaklak sa buong mundo dahil kaya nitong lumapad ng hanggang 56 cm kapag namumulaklak na.

Pero hindi lang yan! Meron ding mga picnic tables, gazebos at cottages din para sa mga pamilya, barkada at mga opisina na gustong mag overnight stay o mag-tipon-tipon para sa party o mga meetings.

Ayon kay Joery Oczon, ang deputy superintendent ng Sibalom Natural Protected Area, mga forest tours, masasarap na pagkain at inumin, at mga kakaibang community experience ang nagaabang sa mga bibisita dito.

“The tour-guiding, housekeeping, customer service, and other skills required by tourists will be done by the trained Bantay Gubat (Forest Guardian) volunteers,” ani Oczon sa ulat ng Philippine News Agency.

Ang pagbubukas ng SNP bilang isang ecotourism site ay resulta ng tour-guiding at community-based ecotourism development training na pinangunahan ng United Nations Development Program-Biodiversity Finance Initiative, sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources mula noong 2022.

Ang SNP ay isa sa mga napiling tumanggap ng ecotourism product development training mula sa UNDP-BIOFIN at DENR dahil dito makikita ang mga wildlife tulad ng Visayan warty pig, tarictic hornbill, Walden’s hornbill, spotted deer.

https://fb.watch/rZdPcQAUcV