Siargao, nanguna sa listahan ng Best Places to Visit in Southeast Asia ng Lonely Planet

Siargao ang itinanghal na No. 1 sa listahan ng 7 Best Places to Visit ng Lonely Planet

Hindi lang pasok ngunit nanguna pa sa listahan ng 7 Best Places to Visit in Southeast Asia ang isla ng Siargao, ayon sa sikat na travel guide na Lonely Planet.

Sa kanilang deskripsyon, No. 1 talaga ang waves ng Siargao na perfect na perfect para sa mga turistang gustong mag-enjoy sa beach at surfing. Hindi din dapat mag-alala ang mga baguhan dahil anila, marami ring surfing instructors sa isla na pwedeng magturo sa kanila.

Ayon sa Lonely Planet, very tourist-friendly din ang Siargao dahil marami ritong mga café na pwedeng mapagtambayan sa umaga at hapon at marami ding bars para sa nightlife. Sa mga gustong mag-relax, may mga nag-o-offer din ng yoga classes para lalong ma-feel ang katahimikan sa gitna ng mala-paraisong ganda ng Siargao.

https://www.lonelyplanet.com/articles/best-places-to-visit-in-southeast-asia