Si Ma’am, ginalingan! Teacher, gumawa ng video para mag-announce ng honor students na may ‘Squid Game’ twist

Patok sa mga estudyante ang video ng kanilang honor roll with a “Squid Game” twist.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Dahil usong-uso nga ang South Korean Netflix series na “Squid Game,” hindi maiwasan ng karamihan na kumuha ng inspirasyon sa sikat na show. Kaya naman, ang isang teacher, naisipan na makiuso din para sorpresahin ang kanyang mga estudyante.

Sa kanyang bagong upload na video, ipinakita ni Teacher Mariel ang reaksyon ng kanyang mga estudyante habang pinapanood ang kanyang video announcement ng mga bahagi ng honor roll sa kanilang klase.

Siyempre may special participation ang higanteng piggy bank ng “Squid Game,” ang motion sensor doll na si Young-hee at ang player board na nagsasabi kung ilan pa ang natitirang manlalaro.

Bet na bet naman ng students ang cool twist na nagawa ni Ma’am sa kanyang announcement, at maging ang netizens ay bumilib sa effort ng teacher sa pag-edit.