‘Si Gian Bernardino ba yan?’: Cup of Joe vocalist laman ng memes at reels dahil sa kanyang pulang buhok

Isa na namang patunay na ang taba talaga ng utak ng mga Pinoy dahil samu’t saring memes at reels ang nagbunga mula sa viral audio na “Si Gian Bernardino ba ‘yan?”
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung saan-saan na nakarating si Gian! Viral ngayon sa social media ang mga reels at memes kung saan kahit sino at kahit anong may pulang buhok ay agad na naihahalintulad sa Cup of Joe singer na si Gian Bernardino.

Exhibit A: Plant vs. Zombies

@xir_brix kung san-saan na kita nakikita @gian.pb #fyp #cupofjoe #gianbernardino #multo #trend #opm ♬ original sound – sooly

Sa TikTok video ni @xir_brix, makikitang may zombie na may pulang buhok at hawak na flag na may brain, gamit ang audio na “Si Gian Bernardino ba ‘yan?”

Exhibit B: Gian x Gian

@_dyanmark Si Gian Bernardino ba to? HAAHAHAHA #cupofjoe #gianbernardino ♬ original sound – itsjm_bedayo on IG

Sa video naman ni @_dyanmark, si Gian mismo ang lumapit sa isang fan at siya pa ang nagbiro ng “Si Gian Bernardino ba ‘yan?” habang nasa concert. Nakausap at nakapag-selfie pa ang fan kasama ang singer.

Exhibit C: Walis

Sa isang meme na pinost ng Follow the Trend Movement (FTTM), pulang walis naman ang tampok na may caption na “Si Gian Bernardino ba ‘yan?” na nakakuha ng libo-libong reaksyon online.