ShuKla, happy sa umaapaw na suporta ng kanilang mga fans

Happy pa din sina Shuvee Entrata at Klarisse de Guzman sa kanilang journey sa Bahay ni Kuya kahit hindi na sila umabot sa Big 4.

Walang masamang tinapay sa ShuKla duo nina Shuvee Entrata at Klarisse de Guzman sa kanilang pagka-evict sa Bahay ni Kuya. Katunayan, sila pa nga mismo ang nang aasar sa kanilang mga supporters na kinapos ng pondo para maiboto sila sa Big Four.

Sa kanilang panayam sa “Unang Hirit,” sinabi ni Klarisse na ramdam niya ang pagmamahal at suporta ng outside world sa kanila ni Shuvee.

“Every time I go out, meron talagang nakikita mga tao na nagsasabi na kayo yung big winner ko. So, sobrang po talaga nagpapasalamat po talaga kaming lahat po sa inyo. Patuloy po kaming lalaban dahil po sa inyo,” aniya.

Humirit pa si Shuvee na na-appreciate nila ang suporta ng kanilang mga fans lalo na sa paggising ng maaga para lang mapanuod sila sa “Unang Hirit.”

“Gumising sila at talagang nagsasabi kayo ang big winner they never had,” ani UH host na si Shaira Luna sa mga dumagsang fans ng ShuKla sa studio.

“Awww. Maybe you’re the voters that we never had,” pang aalaska naman ni Shuvee.

Madami naman ang natuwa sa buong interview ng controversial duo dahil wala talagang boring moment pag sila humirit.