Patok na patok ang interaksyon ng K-pop idol at “Goblin” aktor na si Yook Sungjae nang makipagchikahan siya sa mga FILO Melodies o fans ng BTOB.
Paano ba naman, nang tanungin ng fans kung ano ang gusto niyang gawin sa Pilipinas kung bumalik siya dito, maagap ang sagot ng binata. Ang nais daw niya ay makatikim ng mga prutas sa Pilipinas, pero may pahabol pa siyang request.
Gusto din daw niya ng Tanduay Ice. Matatandaang nakailang ulit nang nakabisita si Sungjae sa Pilipinas kaya’t may alam na siya sa pagkain at lugar dito.