Shopping for a cause: QC gov’t binuksan ang Kilo/s Kyusi Store para sa edukasyon ng kabataan

Magagandang quality items na mabibili per kilo o kada piraso nasa bagong bukas na Kilo/s Kyusi Store sa Quezon City.

Para sa mga bet mag-shopping without the guilt, binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kauna-unahang permanenteng Kilo/s Kyusi Store!

Ang tindahang ito na matatagpuan sa Tulong para sa Kinabukasan at the Quezon City Hall Park and Lagoon ay hindi lang nag-aalok ng mga dekalidad na pre-loved goods kundi nagbibigay rin ng pagkakataon para sa mga shoppingera na makabawas sa fashion waste.

“Walang hanggang pasasalamat sa ating mga partner na tuluy-tuloy sa pagbibigay at pagdo-donate ng mga pre-loved items kaya naisakatuparan natin ang opisyal na pagbubukas ng permanenteng Kilo Store ng Bayan ngayong Earth Day,” ani Mayor Joy Belmonte.

Nagbukas ang tindahan kamakailan bilang parte ng selebrasyon ng Earth Day sa pangunguna ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office.

May dalawang paraan para bumili sa Kilo/s Kyusi Kilo Store: maaaring kada kilo o kada piraso.

Ayon sa ulat ng Inquirer.net, ang mga mag-aaral ng mga public school sa Quezon City ang makikinabang sa kikitain ng store sa pamamagitan ng tutoring programs na naka-focus sa numeracy at literacy skills.