Shining, shimmering, splendid! Bagong ad ng Kojie San, bumenta sa madla dahil sa nakakasilaw na katatawanan

Benta sa madlang internet ang nakakatawang ad ng Kojie San.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Napakaraming Pilipino na nangangarap na pumuti at sa pinakabagong ad ng Kojie San, isang sabong pampaputi, ipinakita nito sa isang nakakatawang paraan ang naidudulot na pagkamangha dahil sa pagbabagong anyo.

Sa bago nitong ad, isang OFW ang nagbalik Pinas at naobserbahan nito na napakarami nang nagbago sa kapaligiran mula noong siya ay umalis. Pero ang pinakanakakagulat ay nang makarating siya sa kanilang barangay. Napansin nito na tila nagliliwanag ang kaputian ng mga kapitbahay niya, mula sa kanyang ex-jowa, sa kanyang utangerang kapitbahay at maging mga tambay sa kanto. Paano naman, may twin pack na pala ang Kojie San, kaya saan ka pa?

“ang galing namn ng commercial nato haha…Yung galing abroad maitim pa,buti pa ang mga tambay maputi na,” sabi ng isang netizen.

“HAHAHAHAHAHA amazing makabili nga niyan para pumuti pa ako haha,” dagdag ng isa pa.

“Blooming lahat.”

“hahhh yung nagibang bansa kalang pagbalik pinas mo lahat sila nagbloom gagamit na ngako nito”

“Kojiesan user here, bakit di ako nainform na may twinpack na pala”