Sharonian pala! Paul Jake, ibinuking na mahilig magbalot ng ulam ang asawang si Kaye Abad sa handaan

Relate ang mga fans sa walang kebs na pagsa-Sharon ni Kaye Abad ng mga ulam sa handaan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Alaskado ang aktres na si Kaye Abad sa kanyang asawa na si Paul Jake Castillo matapos siyang ibuking nito na isa pala siyang “Sharonian.”

Sa isang video post ni Paul Jake, kitang-kita ang kanyang asawa na may hawak na malaking supot at handang-handa na na mag-take home ng mga tirang ulam mula sa dinaluhan nilang handaan.

Biro ni Paul Jake sa kanyang caption, mas lalo raw niyang kailangang pagbutihin ang pagtatrabaho para hindi na kailanganin ni Kaye na mag-Sharon (magbalot) pa ng tirang ulam para sa kanilang pamilya.

Suportado naman si Kaye ng kanyang mga fans at napuri pa nga dahil sa pagiging down-to-earth at hindi maarte.

“Nakakatuwq pati yung anak nya naka tingin nlang sakanya….naaaa mabuhay talaga xa kahit saan”

“Gwapa na! Buotan pa! Wala pa jud arte! Ikaw na jud Kaye!”

“Very madiskarte kaayo uy. Atleast di mauwanan ang ulo hahaha”