Shararawt Jhim Buddies! Joross Gamboa naglapag ng mga nakakatawang bloopers mula sa ‘Hello, Love, Again’

Kuhang-kuha ni Joross Gamboa ang tawa ng mga fans ng “Hello, Love, Again” sa kanyang walang katapusang blooper posts.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Habang patuloy na humahakot ng mga viewers sa takilya ang Alden Richards at Kathryn Bernardo starrer na “Hello, Love, Again” ay patuloy din ang pagbibigay ni Joross Gamboa ng mga nakakatuwang content habang ginagawa nila ang pelikula.

Mula sa mga reunion photos, hanggang sa mga blooper moments, kuhang-kuha ni Joross ang tawa ng mga fans na nakapanood na ng pelikula.

Aliw ang mga fans ng KathDen sa mga kalokohan ng mga cast members at sa mga reaksyon nila sa kanilang mga pagkakamali, dahil ibang-iba ito sa seryosong drama na mapapanood sa pelikula.

“AHAHAHA hello mga JHIM BUDDIESS🇨🇦”

“Hahahahah… Anong nangyari Jhim buddies 😂”

“Haha laftrip lahat ng eksena mo Jhim buddies 😂 dabest ka talaga sir Joross👏”

“Shararawt sa friend naming mali-mali!😂”